Thu, 24 Jun 2021

Mga magsasaka sa CamNorte, tumanggap ng puhunang pangkabuhayan

Philippine Information Agency
11 May 2021, 20:38 GMT+10

DAET, Camarines Norte, Mayo 11 (PIA) -- Siyam (9) na farm household beneficiaries sa Camarines Norte ang tumanggap ng P10,000 puhunan na kanilang gagamitin sa proyektong pangkabuhayan o pagtatanim at pag-aalaga ng hayop.

Sa ilalimito ng programang Agrikultura: Kaagapay ng Bayang Pinoy (AKBAY) Livelihood Projects na ipinatutupad ng National Agriculture and Fishery Council (NACF) sa pakikipagtulungan sa Department of Agriculture-Regional Field Unit (DA-RFU) katuwang ang pamahalaang panlalawigan sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg).

Ipinamahagi ito ni Gobernador Edgardo A. Tallado kasama sina Provincial Agriculturist Almirante Abad ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Efren S. Mago, chairman ng Provincial Agriculture and Fishery Council (PAFC).

Ayon kay Abad, ito ay pautang na puhunan na gagamitin ng mga benepisyaryo sa pagtatanim ng hot pepper, talong, kalabasa at ampalaya. Ganon din sa pag-aalaga ng hayop o goat raising at broiler production.

Aniya, ang nasabing puhunan ay babayaran ng mga magsasaka sa loob ng tatlong taon na walang interes o may katumbas na P3,333.33 bawat taon.

Kabilang sa mga magsasaka ay mula sa bayan ng San Lorenzo Ruiz at Talisay na pinili ng mga municipal coordinator ng AKBAY bilang mga karapat-dapat na mga benepisyaryo.

Ang mga benepisyaryo sa naturang programa ay mula sa mahihirap na pamilya ng 4th, 5th at 6th class municipalities sa ilang mga probinsiya ng Luzon at Visayas kung saan isa ang lalawigan ng Camarines Norte na may tatlong bayan na kabilang dito kasama ang bayan ng San Lorenzo Ruiz, San Vicente at Talisay.

Pinondohan ang proyekto sa ilalim ng Japan Grant Assistance for Food Security Project ng Underprivileged Farmers na sinusuportahan ng DA Agri-Pinoy Framework.

Ang programang ito ay naglalayong mabawasan ang kahirapan sa pamamagitan ng pagpapahiram ng puhunan para sa proyektong pangkabuhayan ng mga farm household beneficiaries. (PIA5/Camarines Norte)

More Tokyo News

Access More

Sign up for The Tokyo News

a daily newsletter full of things to discuss over drinks.and the great thing is that it's on the house!